Saluba, Tom Maverick, M. | 5 Setyembre 2023
Araw ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre, isinagawa ng Sisters of Mary Immaculate School ang pagtatapos na gawain ng Buwan ng Wika na may tema na “Filipino at mga Katutubong Wika; Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”.
Bilang Pilipino, ang Buwan ng Wika ay isa sa mga selebrasyon na ating isinasagawa at isinasapuso bilang pagtangkilik hindi lang sa ating sariling wika, pero pati na rin sa mga katutubong wika, kultura, at tradisyon na bumubuo sa wikang Filipino.
Ito din ay ang pagkakataon upang lalo nating makilala ang ating sarili bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, kung kaya’y bilang pangwakas na gawain para sa buwan ng Agosto, ang mga magaaral ng SMIS ay inihanda at ipinakita ang kanilang mga sayaw na sumasalamin sa ating tradisyon at kultura bilang mga Pilipino
Unang bahagi: Ang umagang programa
Ang programa ng kulminasyon ay hati sa dalawang bahagi at ang unang parte nito ay sa umaga. Sa pangunguna ni Tr. Jeah May Zuñiga, ang mga mag-aaral ng Pre-school at Elementary ay iprinisenta ang kani-kanilang mga sayaw, mula sa mga katutubong sayaw, patungo sa mga modernong sayaw na ating kilala sa pangkasalukuyang panahon.
Ang mga sumusunod ay ang mga napiling sayaw ng bawat baitang:
- Pre-school: Paru-Paro at Ang Magtanim ay Di Biro
- 1-St. Agnes and 1-St. Anthony of the Abbot: Leron-Leron Sinta
- 2-St. Clare and 2-St. Dominic: Itik-Itik
- 3- St. Lorenzo Ruiz: Alitaptap
- 4-St. Therese of the Child Jesus: Una-Kaya
- 5- St. Cecilia and 5-St. Elizabeth of Hungary: Ang Pipit
- 6-St. John Bosco: Cariñosa
Ikalawang bahagi: Ang panghapong programa
Ang pangalawang bahagi ng ating programa ay para sa mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan, at ang bahaging ito ay pinangunahan naman nina Bb. Ghelene Dayuta at ni Bb. Ritchelle Joie Nota.
Pero bago magsimula ang programa, nagkaroon ng pagkakataon ang mga estyudyante upang makakuha ng (mga) litrato sa harap ng entablado kasama ang kanilang mga kaibigan/kaklase. Marami-raming mag-aaral din naman ang hindi tumanggi sa oportunidad na ito upang makapagtago ng mga alaala na maari nilang balikan balang-araw.
Bilang panimula sa programang ito, ang ilan sa mga mag-aaral mula sa High School ay pinili upang panimulan ang panalangin, ang pag-awit ng Lupang Hinirang, at ang Himno ng SMIS. Pagkatapos ng mga ito ay nagbigay ng isang talumpati si Ginoong Jan Ryan Mamon upang pormal na buksan ang programa.
Ang mga mag-aaral ng ika-7 baitang habang isinasayaw nila ang Polka sa Nayon. (litrato kinuha ni Bb. Elysa Ritz dela Cruz)
Pagkatapos ng mga masisiglang at magagarang pagtatanghal na ito ay nagbigay ng isang pangwakas na pambati sa entablado ang ating punongguro na si Sr. Luzvisminda Y. Villar, SMI upang ibigay ang kanyang mensahe sa mga mag-aaral. Bilang pangwakas sa mga programa, bago sila bumalik sa kanilang mga silid-aralan ay binigyan ng pagkakataon ang bawat baitang upang makapagkuha ng group photo sa harap ng entablado.